8/15/2010

isa...adwa...

Ilan months na ba since nagpost ako dito? tagal na rin pala.. bilis ng panahon.. bilis din ng mga pangyayari. Di ko akalain na mangyayari sakin to ng ganito kabilis, dami kong taong pinaasa at nasaktan, gayunpaman.. "pasensya na, tao lang". Mahirap at masakit din para sa 'kin pero kailangan harapin at tanggapin. Biyaya ito na bigay ng maykapal at di lahat nagkakaroon ng pagkakataon na mabiyayaan ng ganito.. Masaya ako dahil sa wakas magkaka-baby na ko..

5/05/2010

lamyu

Umiikot mundo ko sa kanya..
alam ko hindi dapat.






pero wala akong magawa..
hirap diktahan ang puso.

5/02/2010

tarbaho :))

Nagtatrabaho tayo dahil sa pera.. para matugunan ang mga pangangailangan natin sa araw-araw.. para malibang.. para matupad ang mga pangarap natin.. iba-iba man iisa lang ang dahilan..para mabuhay tayo.. Naalala ko nung nagtrabaho ako na mga lalake halos nakapaligid sa'kin.. akala ko dati pare-pareho lang sila lahat.. yun ang pananaw na lagi kong naririnig sa iba at nakagisnan ko na rin. Pero dito ko mas nakilala ang tunay na pagkatao ng isang lalake.. iilan lamang ito sa mga napatunayan ko.. yung iba nandun para lang maglibang, iba naman dahil sa politika, dahil sa babae, dahil sa "business", kumita ng pera para sa pamilya o di kaya naman para lang matugunan ang pangangailangan sa bisyo.. syempre dahil sa ganda ko (ehem) dami rin lumalapit at natutukso sa halindog ko (wag kana kumontra) at kung mahina kang klase ng babae, madali ka mauuto sa kapal ng pera at kapal ng mukha ng mga DOM at iba pang mapanuksong nilalang dun. Di naman ako ganun kadesperada sa pera para sunggaban ang bawat pagkakataon na lumalapit sa'kin. Kahit ganito ako.. marunong din naman ako makiramdam at mag-isip ng tama at mali. Dahil 'di lang reputasyon ko ang isinasaalang-alang ko ng mga panahong yon..reputasyon din ng mga taong naniniwala at gumagalang sa'kin pati na rin pamilya ko.. isa lang ang sigurado ako..ayoko magsalita ng patapos pero di na ko babalik at magtatrabaho ulit sa "sabungan".


Kaya ikaw.. kung nagtatrabaho ka man, kahit anong trabaho pa yan..basta marangal at di ka nakakasakit ng kapwa mo, maging proud ka.. mahalin mo yan dahil hindi lahat nagkakaroon ng pagkakataon gaya mo..

1/26/2010

salamat sa experience!

Salamat dahil naranasan ko kung gaano kasaklap ang mabyahe ng nakabackride sa single motor simula pampanga hanggang sa kadulu-duluhan ng zambales. Gayun pa man.. hindi ko gaano naramdaman ang pangangawit at pag-apoy ng pwet ko sa kakaupo ng mahabang oras papunta sa zambales. Nag-enjoy naman ako.."joride" ika nga nila dahil mahigit kumulang sa 35 kami na nakasakay ng motor. Pers taym ko sumama sa mga riders kaya sobrang namamangha ako habang nagbibyahe kami. Perst taym ko rin magbyahe ng nakabackride lang. Pers taym ko rin makapunta sa Resort na pinuntahan namin. At higit sa lahat, pers taym ko makapanood ng SUNSET kasama ang mahal ko. Ang dami kong Pers taym sa araw na iyon kaya hinding hindi ko yun makakalimutan kahit kailan! Salamat din sa samahan ng Delta Sierra Riders.. lol. Kahit pagod, kahit hagard, kahit amoy araw at pawis, kahit parang nameykapan ng tuti ang mukha ko..nag-enjoy pa rin ako..

at syempre sa pinakamamahal ko.. salamat aku apili mu, salamat dininan muku opportunity, salamat keng lugud mu..thank you aah?

10/03/2009

twenteen na qo..haayz

20 years na nga.. ang bilis ng panahon..
20 years na aqong nabubuhay, nadadapa, nasasaktan, natututo, nagmamahal, umiiyak, nagkakamali, natutulog, umiinom, kumakain, naliligo, napapraning, naaabno, at ilan years na ring nagaaral, nagbabasa, nagsusulat, nagtetest, humihingi ng papel, nangongopya, nangongodiko, nagtitrip, badtrip, goodtrip, laughtrip, foodtrip, at qung anu anong trip.. ilan years na rin nagtetext, nakikipaglampungan, nagloload, nangungupit, nangaasar, nambubulabog, nangungulit..

haaayyy..buhay nga naman..mawala man aqo..patuloy na iikot ang mundo, pero marami pa aqong pangarap za buhay..za ngayon sana makapagtapos aqo ng pag-aaral taz makahanap agad aqo ng magandang trabaho. Gusto qo maging independent.. gusto qo matulungan ang pamilya qo.. gusto qo makasal muna sa simbahan sina ermat at erpat bago aqo ikasal za mahal qo.. syempre ang plastik qo naman qung wala za listahan qo ang pangarap qo maging bilyonaryo.. hmm.. sana qung may pagkakataon, gusto qo makapagtrabaho muna za izang hotel o kaya naman za restaurant, taz pag medjo nakapagipon na, gusto qo makapag-abroad.. gusto qo kasi magtayo ng sarili qong hotel at resto bar..astig di ba ? gusto qo magkaroon ng sarili qong bahay at lupa..ng sariling kotse..gusto qo makalipad,.gusto qo maging modelo ng FHM mag. gusto qo tumangkad..pero lam mo ba una qo pinangarap..maging ASTRONAUT..ohah,,big time..gusto qo libutin qng buong universe at gusto qo malaman qung may katapusan ba to o wala ? gusto qo malaman qung san nagpupunta si superman pag tumatakas ito za earth..LMAO. Ambisyosa aqo..oo lam qo yan..at tanggap qo na ganyan aqo..

lahat tayo tatanda..lahat tayo makakaranas ng paghihirap..lahat tayo makakaranas ng kaligayahan..pero sana wag na natin sayangin ang bawat pagkakataon na ibinibigay ni papa jesaz saten.. "be fair..so that the world will be fair to you..because life is unfair for one natural reason..you are unfair" iza yan za mga quotes na nagpatama sakin ng husto.. dahil lam qo unfair aqo..selfish aqo.. gayunpaman..ginagawa qo ang lahat para magbago aqo in a way na dapat qo na gawin yung mga bagay na alam qong tama at mas nakakabuti hindi lang para sakin kundi para na rin sa mga minamahal qo.. panahon na para maging matured aqo.. za ugali..