8/13/2009

RESBAK ZA EBAK!!!

kabubukas qo pa lng za internet at ito agad ang napansin qo..
banat ni joey ky willie revillame.. di naman za pgkatsismosa..

nakyuryus lng..


"Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
Ako'y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa 'kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko'y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa 'yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika'y parang nabastos sa isang TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa'y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
"Sandali, meron akong ano... sa'ting ano...
Hindi naman sa ano," nagkaanu-ano!
Ayon sa Internet, meron pa s'yang nasambit,
"Sana pakitanggal muna 'yan sa'ting traffic..."
At 'di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
"I don't think na dapat n'yong ipakita iyan..."
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa'y pag-ingatan.

At 'di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n'ya ay tama raw,
Mga nakarinig 'di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la'y napa-wow!

"... Pero ako, totoo 'ko eh ... ", sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya't wala na rin mga paliwanag mo.

"Kung ganyan, pakita na lang 'yan!", ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-"lang - lang" lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n'ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s'ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
"On camera" baga sa TV ang tawag d'yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa 'yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at 'yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika'y maa-abswelto,
'Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n'yo?
Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
O ito kaya ay isa na namang "glitch" lang,
Tulad ng "two-zero" 'di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n'ya sa kaistupiduhan.

Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s'ya,
Subalit ang nangyari'y mabigat talaga,
Namayapang pangulo'y huling paalam na,
'Di mo pa pinagbigyan ... hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s'yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga'y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan."


para sa kin..my point naman sya inferview..ang dami qo nababasang negative tungkol kay willie pero sino ba naman tayo para husgahan siya db? tao lang din siya, nagkakamali, tatanga-tanga.. sana lang matuto din sya za pagkakamaling yon dahil maraming nadadamay, maraming naaapektuhan.. at para matigil na rin ang iba za kakagawa ng mga puna laban sa kanya.. nakakasawa na kasi..masakit na masyado za mata..oo, naiinis din aqo sa kanya minsan pag napapanood qo sya za wowowie.. masaya aq pag nakikita qo ung ibang tao na natutuwa za kanya at minsan naaawa naman aqo pag pinapahiya nya ung mga ktrabaho nya..oo tama ka mayabang nga sya..wala naman aqo kinakampihan eh dahil pareho silang may katwiran..parepareho naman tayong may katwiran.. minsan baluktot nga lang..

sabi nga ng titser qo dati.. "put yourself in to the shoes of others" meaning wag ka manghihiram ng sapatos za taong mukhang alipunga na nagkatawang tao in short symphatize..


No comments:

Post a Comment